TIYAK na kahit paano’y ramdam na ng ina ng isang hunk actor na miyembro ng federacion ang kanyang dyunakis.
Minsan ay nagkaroon ng bisita sa kanilang bahay ang actor, na nagkataong natutulog pa dahil napuyat sa taping.
Ang ina muna nito ang nag-estima sa kanya. Pero nang mapansin ng madir na oras na para gisingin ang anak na may trabaho pa noong araw na ‘yon ay inakyat na niya ito sa kanyang silid.
Tamang-tama namang siyang labas ng actor na pupungas-piungas pa, ”Oy, may bisita ka, babain mo sa sala,” sey ng mudra na nakapuna na hindi maayos ang hitsura ng artista pa mandin niyang anak.”Pero oy, mabihis ka naman,” pahabol ng madir na agad din namang tinugunan ng aktor na pinaghihinalaang beki.
“At ano naman ang gusto mong isuot ko…gown?” nakapamewang na sey ng actor.
(Ronnie Carrasco III)