READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte
BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naaprobahan ang Federal Constitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing transition leader.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabinete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto.
Sinabi ni Roque, sa pagsisimula ng regular cabinet meeting sa Palasyo kahapon, inianunsiyo ng Pangulo na pinulong niya ang Consultative Committee na baguhin ang nakasaad sa transitory provision ng draft federal constitution.
Ayon sa Pangulo, dapat ay ihalal ang magsisilbing transition leaders kapag naaprobahan ang federal form of government.
Tiwala aniya ang Pangulo na maipapasa ito sa 2019.
Ginawa aniya ng Pangulo ang panukalang ihalal ang transition leaders para mawala ang suspetsa na mayroon siyang ibang binabalak kaya isinusulong ang charter change.