INAMIN ni Sunshine Cruz na apektado ang tatlong anak niyang babae kay Cesar Montano sa isyung korapsiyon na kinasasangkutan ng aktor.
Kung ating matatandaan, inakusahan si Cesar na inabuso ang kapangyarihan niya bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) na may kaugnayan sa Buhay Carinderia project, na umano’y binayaran siya ng P80-M bago pa man makompleto ito.
Kinausap ng seryoso ni Sunshine ang mga anak na huwag silang magpaapekto sa isyu sa kanilang ama.
“Like what I told the kids, ‘You shouldn’t be affected because even your vehicle and even the clothes you wear are from your mom. ‘I work hard to be able to provide those for you. So you just have to pray for your dad because he’s your father,’” payo ni Sunshine sa mga anak.
MA at PA
ni Rommel Placente