Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampo ni Gerald nagreklamo, titulong Prince of Ballad sa kanila raw

NAG-REACT ang manager ni Gerald Santos nang mabasa niya ang write-up namin kay Anton Antenorcruz, Top 6 Grand Finalist sa Tawag ng Tanghalan Season 2.

May nakasulat kasi roon, na binanggit namin na TNT Prince of Ballad si Anton. Na ayon sa manager, si Gerald ang nagmamay-ari ng titulong ‘yun.

Narito ang private message (PM) na ipinadala sa amin.

“rommel! Musta? Long time no see. Rommel nabasa ko yung write up mo kay anton antenor..yes he is really good! I have high respect for the singer.. Medyo naaalangan lang ako sa moniker na Prince of Ballad kasi identified si Gerald sa title na yun..Baka makakaisip pa yung team Anton ng ibang moniker..respect na din nila kay Gerald..Kung ok sa kanila.. Salamat Rommel! See you soon!”

Sinagot naming ang manager na ang title ni Anton ay TNT Prince of Ballad. Na ibig sabihin, among the contestants sa TNT Season 2, siya ang Prince of Ballad.

Sinabi rin namin sa kanya na sasabihin namin sa kampo ni Anton ang kanyang concern.

Ipinarating nga namin ito kay Rowel Ebora, na malapit sa pamilya ni Anton. Ang sagot niya sa amin, ipababago nila ‘yun sa ABS-CBN 2.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …