Tuesday , November 5 2024

 2 heneral, sablay vs STL

MULING nabigo ang mga tiwali at corrupt sa gobyerno na paniwalain si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi epektibo ang Small Town Lottery (STL) bilang pamuksa sa jueteng at iba pang mukha ng illegal numbers game. Sa bandang huli, nanaig pa rin ang katotohanan nang sabihin ng Pangulo na kailanman ay hindi niya papayagang muling maghari ang jueteng.

Ayon sa aking spy, dalawang retiradong heneral ang umano’y posibleng nagbigay ng maling impormasyon sa Pangulo na ang STL ay jueteng din, na ang STL ay front ng jueteng, at kung ano-ano pang paninira. Itong dalawa, ayon sa aking spy, ay may interes sa STL sa isang napalaking probinsiya sa Luzon.

Matapos ilabas ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) ang datos sa tumatabong kita ng STL na umaabot na sa halos P2 bilyon kada buwan, sinabi ng Pangulo na kailanman ay hindi niya sinabing hahayaan na lang muna niya ang jueteng na maghari sa mga pamayanan. Sinabi ng Pangulo na wala siyang utos sa pulisya na itigil ang kanilang operasyon laban sa jueteng at lahat ng klase ng ilegal na sugal sa bansa.

Sa bisa ng Executive Order No. 13 (EO13) na pinirmahan ng Pangulo noong Pebrero 2017, ang kanyang all-out war laban sa lahat ng klase ng ilegal na sugal, inutusan nito ang Philippine National Police (PNP) na dapat katuwang ang PCSO sa pagsugpo lalo na ang jueteng.

Sa katunayan, mayroon din Memorandum of Agreement (MOA) ang PCSO at PNP na naglalayong ang huli ang magsilbing pangunahing tagapagpatupad ng EO13 ng Pangulo. Mayroon din Republic Act 9287, ang batas kontra jueteng lalo sa mga nagpapalakad at nagbibigay proteksiyon dito mula sa gobyerno o kung sino mang maimpluwensiyang indibidwal o grupo.

Palagay ko ay gustong lansihin ng dalawang heneral ang Pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling impormasyon hinggil sa STL, pero bigo sila. Nangyari na rin ito noong unang mag-ingay ang dating taga-kolekta ng jueteng payola ng mga corrupt at tiwali na naging whistleblower kasama ang talamak na jueteng lord, hindi sila pinaniwalaan ng Pangulo.

Malinaw ang hangarin nila, ang mapatalsik si PCSO General Alexander “Mandirigma” Balutan na patuloy na naninindigan laban sa mga tiwali sa lipunan, ang protektahan ang ahensiya ng gobyerno para sa kawanggawa.

Noong 2107 sinabi ni Mandirigma, nang halos mag-P1B kada buwan ang kita sa STL, na darating ang panahon na gagawa at gagawa ng paraan ang mga tiwali at corrupt sa politika na gibain ang STL dahil hindi gaya ng jueteng na mayroon silang payola. Sinabi ito ni Mandirigma  na may kaugnayan sa 2019 mid-term election.

Malapit na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre. Kailangan ng mga kandidato ng campaign fund at ang pinakamadaling mapagkukuhaan ay mula sa jueteng payola kung hindi man sa ilegal na droga, kidnapping at kung ano-ano pang krimen na puwedeng mapagkakaperahan.

Tama, ang STL ay kawangis ng jueteng, pero ang ayaw ipaalam ng mga corrupt at tiwali, sa STL ay malaki ang pakinabang ang mamamayan, hindi gaya ng jueteng na mga gambling lord at mga protektor lamang nila sa gobyerno ang may pakinabang. Sa pamamagitan ng STL, nalaman ngayon kung magkano ang kinikita sa jueteng na napupunta lamang sa bulsa ng iilan at hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno. Sa STL, nagbabayad ng buwis ang mga Authorized Agent Corporations (AACs) at 30% sa kanilang ingreso buwan-buwan sa PCSO ay awtomatikong napupunta sa Charity Fund na ginagamit na pambayad sa pagpapaospital, pambili ng gamot, pang-dialysis, pang-chemo, pampa-opera ng mga pasyenteng walang pambayad sa ospital at medikasyon; ipinambibili ng ambulansiya na libreng ipinamamahagi para sa mamamayan; at iba pang programa ng kawanggawa.

Simula nang ilunsad ang Expanded STL ng PCSO noong 2017, mula sa 18 AAC, mayroon nang 83 aktibong naglalaro ng STL sa mga erya kung saan pinamumugaran ng jueteng, swertres, masiao, pares, peryahan at kung ano-ano pa. Ibig sabihin, marami na ang naglegal na mga dating ilegal, nakinig sa panawagan ng Pangulong Duterte na tulungan siya, imbes pagnakawan ang gobyerno at ang mamamayan.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *