Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JoshLia, aminadong maraming natutuhan sa buhay-buhay dahil kay Kris; sikreto para tumagal sa showbiz, ibinahagi

H UWAG paba­-bayaan ang kalu­sugan kahit maraming trabaho.”

Ito ang madalas na payo ni Kris Aquino, ayon kay Julia Barretto sa kanila ni Joshua Garcia habang ginagawa nila ang pelikulang I Love You Hater, handog ng Star Cinema at pinamahalaan ni Giselle Andres, na mapapanood na sa Hulyo 11.

Aminado kapwa sina Julia at Joshua na marami silang natutuhan sa buhay-buhay sa Queen of Social Media.

Anang dalawa sa blogcon ng I Love You Hater na lagi silang pinapayuhan ni Kris para magtagal pa sa showbiz at kung paano mahalin ang kanilang mga supporter.

“Si Tita Kris kasi, nakikita niya kami na nagse-segue-segue sa work. She always reminds us na to really be careful, huwag isa-sacrifice ang health kasi sisingilin ka talaga when the time comes. Igina-guide rin niya kami kapag nasa set na, kapag take na,” kuwento ni Julia.

“Pero si Josh talaga ‘yung pinapayuhan niya, lalo na sa mga interview, kung paano sasagot, kung paano ‘yung tamang pagharap sa press.”

“Kapag kausap namin si Tita Kris, marami siyang ina-advice, kasama na po ‘yung sa personal life, sa trabaho,”sagot naman ni Joshua.

At may isang advice si Kris na hindi niya malilimutan. Pero medyo nahirapan ang binate na i-explain iyon kaya ang dalaga na ang sumagot.

Ani Julia, ”Lagi niyang sinasabi sa amin na hangga’t nandito pa kami, dapat maging open kami sa lahat ng opportunities, and do good na, work hard na. Kumbaga, strike while the iron is hot. So, it’s better to be busy and tired and walang tulog, kaysa walang ginagawa.”

Natanong naman ang dalawa ukol sa kung mino-monitor ba ng dalawa o may ginagawang rituals para mas kumita ang kanilang pelikula.

Aminado naman si Julia na grabe ang kaba niya kapag may pelikula siyang ipinalalabas. ”I really get nervous and scared if my performance get really appreciated kasi ngayon ang dami nang critics. They just not watch to entertained. They watched because they want to see your performance.

“So rito ako nine-nervous, and Star Cinema, and we want to achieve ‘yung mga na-achieve na nila sa mga pelikula nila na romcom. So, that also makes me nervous trying to make some certain expections.

“And I have anxieties and panic attack and I worry. So sometimes I remind myself before and during the show, I have to stop worrying and start trusting the Lord, kasi siya naman ang bahala sa lahat.”

 Sinabi naman ni Joshua na mino-monitor nila ang nangyayari sa kanilang pelikula thru Star Cinema. ”Inaalam naming ‘yung kita, ha ha ha, at nanonood kami sa iba’t ibang sinehan para makita nang personal ang reaksiyon ng manonood.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …