Monday , April 14 2025

Gutom na Pinoy sa TRAIN, inflation tataas pa — Solon

HABANG humahakot nang limpak-limpak na buwis ang gobyernong Duterte mula sa TRAIN  (Tax Reform for Acce­leration and Inclusion Law), patuloy rin ang pagkagutom at paghihi­rap ng karamihan sa mga Filipino ayon sa isang mambabatas mula sa oposisyon.

Ang TRAIN ay na­ging batas pagkatapos pirmahan ni Duterte ang panukala noong 19 Disyembre 2017.

Sinisi ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang batas sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangu­nahing bilihin – gasolina, bigas, koryente, pagkain, at pasahe.

Ang walang giyang TRAIN, aniya, ay dapat su­pilin sa kabila ng pahayag ng gobyerno na magpapababa ito sa buwis na ibinabayad ng mga mangagawang Fili­pino.

Ani Alejano, nawalan ng kontrol ang gobyerno sa ekonomiya dahil sa nasabing batas.

Ang sabi ng gobyerno at mga tagapagtaguyod nito, mas lalaki ang take-home pay ng mga mang­gagawa dito at tataas ang mga buwis ng mga bilihin.

“Nakikita natin na hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin at ito ay dahil sa karag­dagang taxes na ipinapa­taw ng TRAIN. Sa totoo lang, hindi naman naiin­tindihan ng mga tao ang inflation o iba pang mga termino sa ekono­miya. Pero ang naiintindihan at ramdam nila ay iyong mga bagay na may epekto sa sikmura tulad ng pagtaas ng presyo ng pagkain, bigas,  koryente, gasolina, pasahe, at iba pang pangunahing bili­hin,” ani Alejano sa balita na pumalo ang inflation rate sa 5.2 porsiyento ngayong Hunyo. Ang inflation ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng piso.

“Ang projections lang nila dati noong hinihimay ang TRAIN sa Kongreso ay mataas na raw ang 4.3%. Kaya lang umabot na sa 4.5% noong Abril at lumobo sa 4.6% noong Mayo at ngayon nga ay 5.2% nitong Hunyo. Paano ito bababa kung hindi sususpendehin ang excise tax partikular sa produktong petrolyo?” dagdag ni Alejano.

Nanawagan si Alejano sa mga kasama niya sa Kamara na tingnan muli ang TRAIN Law.

“Nananawagan ako sa aking mga kasamahan sa Kongreso na nawa’y maaksiyonan ang hinaing kong resolusyon na i-review ang epekto ng TRAIN law. Napaka­halagang makita natin ngayon ang tunay na epekto ng TRAIN sapag­kat marami sa ating mga kababayan ang iniinda ito lalo na ang mahihirap,” aniya.

Binanatan ni Alejano ang administrasyong Duterte sa patuloy na panlilinlang sa pagsasabi na kontrolado nila ang ekonomiya.

“Iyang under control na sinasabi ng adminis­trasyon ay hindi makato­tohanan. Napakadaling sabihin niyan kahit nami­milipit na sa sakit ang mga pamilyang Filipino. Hindi pa nga naipa­patupad ang mga social protection measures tulad ng 4Ps o cash transfers, ‘yung fuel vouchers para sa jeepneys at ‘yung diskuwento sa pasahe, NFA rice o maging ang free skills training para sa mahihirap,” sinabi ng mambabatas.

Aniya kung patuloy na itatanggi ng admi­nistrasyon ang tunay na dulot ng TRAIN, maaa­pektohan din ang pagbibi­gay ng karampatan at agarang tulong sa mga apektado. Nagbabala si Albay Rep. Edcel Lagman na ta­taas pa ang inflation base sa datos na galing sa Bangko Sentral ng Pilipi­nas.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Taguig

Campaign funds ni Rep. Zamora, ‘iniyabang’ ni Abby sa Taguig

LANTARANG ipinagyabang ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘limpak-limpak’ na campaign funds ni incumbent Rep. …

Carlo Aguilar

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan …

Mitch Cajayon-Uy

Rep. Mitch Cajayon-Uy waging kongresista sa Caloocan District 2 — OCTA Research

NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, nangakong kikilos laban sa labor rights violations sa PH

IPINAHAYAG ng TRABAHO Partylist ang matinding pag-aalala sa inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng …

041125 Hataw Frontpage

P139-M basura scandal  
MALABON MAYOR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *