Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary V., cancer-free na: I am miraculously saved

MATAPOS ang ilang linggong pananahimik, umupo si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa kanyang unang major television interview na sinabi niyang matapos ang kanyang bypass operation, sumailalim siya sa isa na namang medical challenge matapos ang isang incidental finding na may nakitang malignant kidney mass ang kanyang Cardiologist at tahimik siyang sumailalim sa ikalawang surgery, at ngayon ay cancer-free na.

Bilang isa sa pinaka-respetadong Christian artists ng bansa, ang balita ukol sa kanyang kalusugan ay isang panibagong pagsubok sa pananampalataya  habang kinaharap ang isa nanamang life-threatening challenge na kanyang nalampasan sa tulong ng isa sa pinakamahusay na medical team bansa at kasama na rin ang isangkatutak na dasal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at ‘di mabilang na mga tagahangga mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Do know that I am ok now…and I’m ready to comeback soon. Don’t worry k?” ang sabi ni Gary sa kanyang official Twitter account para kanyang mga follower na halos 4 million na nag-aalala sa mga maling balita na mayroon pa rin siyang cancer.

Nakadama ng sakit si Gary sa kanyang left abdomen at nadiskubre ng mga doktor ang isang incidental finding na 6-centimeter malignant tumor sa kanyang kidney. Sumailalim si Gary sa isa pang operation at nalaman ng mga doktor na ang tumor ay localized sa loob ng kanyang kanang  kidney.

Ngayon, malapit na si Gary sa full recovery at ayon sa mga doktor na halos kasing lakas ng puso ng isang  25-year old na lalaki ang puso ni Gary.

Ang buong pamilya ni Gary, kasama ang kanyang ina at kapatid na babae na lumipad galing sa Amerika, ay nasa 100% na nasa likod niya para sa kanyang ongoing journey papunta sa full recovery habang naghahanda siya sa mga exciting new project at sa kanyang grand return sa telebisyon at sa live concert stage.

“I am miraculously saved. Doctors were baffled I was healing so well after my open heart surgery despite my diabetes,” sabi ni Gary. “When the doctors saw the tumor in my kidney and were able to take it all out without a need for chemotherapy or radiation, I can only say that this is the work of the Lord and nothing else. I am blessed.” 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …