Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Siklesta dedbol sa bundol ng truck

PATAY ang isang siklesta makaraan mabundol ng isang trailer truck sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang lalaking tinatayang nasa 60-65 anyos, nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon, at may mga sugat sa ulo at katawan.

Habang nasa kustodiya ng Pasay City Traffic Police ang driver ng trailer truck na si Orlando Guitang Agustin Jr., 34, residente sa Irasan Street, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Base sa inisyal na ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente sa southbound lane ng Roxas Boulevard, EDSA flyover sa Pasay City, dakong 8:00 ng gabi.

Binabaybay  ng tractor trailer truck, na may plakang AUA 9686, na minamaneho ni Agustin, ang southbound lane ng Roxas Blvd., nang pagsapit sa naturang flyover ay nasagi ng kaliwang gulong ng sasakyan ang bisikleta ng biktima.

Pagkaraan ay nakalad­kad ang biktima na nagre­sulta sa matinding sugat sa kanyang ulo at katawan.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …