Saturday , November 16 2024

Pag-atake ni Duterte sa Simbahan todo pa rin

WALANG makikitang sinseridad kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pakiki­pag-dialogo sa Simbahang Katolika dahil bukambibig pa rin niya ang todong pagbatikos sa mga pari at maging sa institusyon.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon, tinawag niyang ipokrito, gago at puro daldal lang ang mga taong Simbahan.

Katuwiran ng Pangulo, isa sa mga ipinagsintir niya ay laging kontra ang Simbahan sa isinusulong na family planning program ng gobyerno.

“Yesterday, I read somebody said that we have to implement the family planning. Alam mo sa totoo lang, the family planning, with due respect, ayokong makipag-away, it has something to do with the objection of religions, not all. I would not mention the faith because again I do not want to quarrel with them,” ani Duterte.

“Wala ka mang maku­ha rito sa mga gagong ito, puro salita lang,” aniya.

Noong siya’y alkalde pa ng Davao City, lagi aniya siyang may dalang mga condom para ipamahagi sa mga mamamayang naghi­hi­rap na maraming anak.

Muli niyang inilahad ang naranasang seksuwal na pang-aabuso sa kanya ni Fr. Harry Falvey noong siya’y estudyante pa sa Ateneo de Davao.

Nabangkarote aniya ang Simbahang Katolika sa ibinayad na US$25-M dan­yos sa mga inabusong ba­tang lalaki ni Falvey sa Amerika.

“If you look into your internet now, now. Look for Harry Falvey. Harry is the name. F-a-l-v-e-y. Tingnan mo makita mo riyan, the cases that they have lost in America. Talo sila ng 25 million dollars because ‘yung mga nabiktima pumalag at nagdemanda. They were fined 25 million dollars. That’s why nabang­karote ang…Pero kami naman hanggang hipo lang. Sa totoo lang, hinipo tala­ga,” wika niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *