Saturday , November 16 2024

Narco-list ni DU30 baliktad na “Schindler’s list” — solon

KUNG ang “Schindler’s list” ay listahan ng mga Hudyo na dapat isalba noong panahon ni Hitler, si Pangulong Rodrigo  Duterte, umano’y may baliktad na listahan ng mga dapat itumba – ang “Narco-list.”

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang laganap na patayan ay sanhi ng kawalan ng “rule of law” sa kabila ng mga pananalita ni Duterte na ang pagpatay sa mga sangkot sa ilegal na droga ay malayang makaga­gawa nito.

Kinondena ni Villarin ang magkasunod na pagpatay sa mga mayor ng Tanauan city, Batangas Mayor Antonio Halili at Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio , Nueva Ecija.

Kahit sino na lang na may dalang baril at may galit sa kapwa ay may lisensiyang pumatay na walang pag-aalala sa konsikuwensya nito.

Sa parte ni Magdalo Rep. Gary Alejano, ang magkasunod na pagpas­lang sa mga mayor ay nagpapahiwarig na nabibigyan ng lisensiya ang sinoman na basta pumatay at walang takot na mana­got sa batas.

“Habang iniyayabang ng administrasyon ang umano’y mga tagumpay sa gera kontra-droga, nasasak­sihan naman natin sa araw-araw ang libo-libong pata­yan at pagdanak ng dugo sa mga lansangan.

Nagiging normal na ang karahasan at mismong Pangulo ang naghihikayat nito,” ani Alejano.

Aniya, imbes gumanda ang kapayapaan at kaa­yusan sa bayan, ang klima ng “impunity” ay lumalala bawat araw sa ilalim ng pangangasiwa ni Duterte.

Kay Albay Rep. Edcel C. Lagman, ang pagdawit ni Duterte kay Halili sa droga na walang basehan ay tinatawag na  “slandering the dead.”

Ang panganga­tu­wiran ni Duterte, ani Lagman, ay nagpapala­ga­nap ng kultura ng karaha­san.

Sa panig ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat laga­nap na ang pagkatakot ng mga tao sa kawalan ng umiiral na batas sa bansa.

Mga pari, mga ma­yor, mahihirap at mga katutubo ang pinapatay, ani Baguilat.

Wala, aniyang, napa­pa­nagot sa libo-libong patayan. Siyam na, ayon sa mga report, ang napa­patay na mayor mula nang naging presidente si Duterte.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *