Monday , April 28 2025
Martin Andanar PCOO

Bata-bata system ni Andanar ‘patay-gutom’ — Davao journalist

NANINIWALA ang isang veteran Davao-based journalist na batid ni Communications Se­cretary Martin Andanar ang nagaganap na korup­siyon sa kanyang tang­gapan at pinababayaan lamang dahil ipinaiiral ang “bata-bata system.”

“Your finance people drink all they can – hahaha ‘morning the night’ with unlimited budget meals ang resibo!” ayon sa open letter ni veteran Davao-based journalist na si Edith Caduaya kay Andanar na inilathala sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni Caduaya, naganap ang mga kapal­pakan sa PCOO habang namamasyal si Andanar sa Suriago at Siargao at nagpapasasa sa unli­mited crabs.

“No to disinfor­mation, no to misinfor­mation! But look! which office spread the wrong information. It is your own desk!” aniya.

Inihalimbawa niya ang maling grammar sa ID ng Malacañang Press Corps, ang maling caption na inilathala sa social media ng PCOO gaya ng Rogelio Golez imbes Roilo Golez, Norwegia imbes Norway at Winston Gatchalian imbes Sherwin Gatchalian.

“Remember.. the id bruhaha, the Rogelio Golez, the Norwegia, the Winston Gatchalian. It all happened while you explore the wonders of Surigao and Siargao, with the Diving adventure, and the CRABS unlimited,” sabi ni Caduaya.

Ipinagkakait aniya ni Andanar sa media ang serbisyong dapat mata­masa, nagpupunta kahit saan niya naisin nang walang abiso sa sariling ahensiya.

Binatikos din niya ang mga undersecretary at assistant secretary sa PCOO na tumatanggap ng sahod kahit hindi nagtatrabaho.

“Don’t deprive Mindanao press and other members of the working press of the kind of service we deserve. You come and go to places without even coordinating with your own agency!” ani Cadua­ya.

“You have non-working usec and asec! receiving salaries… this is a shit thing!” dagdag niya.

Lagi aniyang kasama sila sa mga biyahe kahit walang ginagawa na pag-aaksaya sa pera ng bayan.

“Most if not all of them, go for a junket ride at the expense of peoples money. Think about it!” ani Caduaya.

Tinawag ni Caduaya na Team Habhab ang pangkat ni Andanar na ang ibig sabihin ay “team lamon.”

Idinikta aniya ng Team Habhab kung anong pagkain ang iha­hain sa kanila gaya ng lechon at alimango at nagpapauwi pa ng gaya nito.

Giit ni Caduaya, hindi niya kayang magpikit-mata sa kawalan ng kakayahan at sa uri ng liderato ni Andanar, hindi makontrol ang sariling mga tao at hindi kayang magbigay ng direksiyon.

“I cannot close my eyes. I cannot understand your brand of leadership! You cannot even control your own people! you cannot even give direction!” ani Caduaya.

Hindi aniya binibig­yan ng pangkat ni Anda­nar ng kahihiyan si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte.

“Ayaw ninyo pakau­lawi si Mayor Digong!”

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *