Tuesday , April 15 2025
MMDA

12 kawani ng MMDA positibo sa droga

INIHAYAG ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, 12 kawani ng ahensiya ang positibong gumagamit ng ipinag­babawal na droga at kara­mihan sa kanila’y traffic enforcer.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Garcia, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga kawani na gumaga­mit ng ilegal na droga.

Ayon kay Garcia, anim sa nabanggit ay nasa job order status, kaya awtomatikong tanggal sila sa trabaho.

Habang ang anim ay nasa casual at permanent status, kung kaya’t isa­sailalim sa due process.

Sa random drug test na ipinatupad ng MMDA sa kanilang tanggapan, 13 ang naunang nagpositibo sa paggamit ng droga ngunit 12 lamang ang pumasok sa tinatawag na confirmatory test.

Sinabi ni Garcia, nasa 1,000 kawani ng MMDA ang ipinatawag para isailalim sa ipinatutupad na random drug test ng ahensiya, na nagsimula noong 22-24 Mayo 2018.

Ngunit ang 20 porsiyento rito ay hindi nakapunta dahilan upang isyuhan ng memorandum para sa posibleng pagka­sibak sa trabaho.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *