KINONDENA ng Palasyo ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony sa city hall kahapon.
“Kinokondena po natin itong pagpatay kay Mayor Halili. [jc] Sa pamilya, at sa mga constituent ni Mayor Halili, bibigyan natin sila ng katarungan. Iimbestigahan, lilitisin ang mga tao na nasa likod ng pagpatay kay Mayor,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Nanawagan si Roque sa publiko na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Halili.
Naging pamoso si Halili sa inilunsad na shame campaign sa petty criminals sa kanilang lungsod, kasama ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa bisa ng National Police Commission Resolution noong 30 Oktubre 2017 ay tinanggalan si Halili ng kontrol sa lokal na pulisya bunsod nang pagkakasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(ROSE NOVENARIO)