Monday , December 23 2024

Misencounter sa Samar inako ni Digong

ANG pag-ako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naganap na mis­encounter ng militar at pulis sa Samar ay upang matuldukan sisihan sa nakalulungkot na insi­dente.

Sa kalatas kahapon, si­na­bi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang ginawang pagsalo ng Pangulo sa respon­sibi­lidad sa pangyayari ay tatak ng isang tunay na pinuno.

“It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, the buck stops with him,” aniya.

Ang mahigpit na koordinasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga susunod na opera­syon sa larangan ay isasagawa upang hindi na maulit ang hindi inaasahang pangyayari.

“Its an unfortunate incident which should not happen again. Closer coordination can be ex­pected between the AFP and the PNP in future ground combat opera­tions,” dagdag niya.

Binisita kamakalawa nina Pangulong Duterte at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang burol ng mga namatay na pulis sa Matapat Hall sa Camp Ruperto Kangleon, Eastern Visayas.

Mensahe nila sa mga naulilang pamilya, pag­pa­patawad at hintayin ang resuta ng imbes­tigasyon sa trahedya.

Nagkaloob ng ayu­dang pinansiyal at bagong cellular phone ang Pangulo sa mga kaanak ng mga namatay.

Dinalaw rin nina Duterte at Go sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang siyam pulis na sugatan  at anim na sundalong napinsala sa ibang mga enkuwentro.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *