READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech
READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan
READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo
Ang balak ng mga pari na i-pray over si Pang Duterte ay magiging walang saysay.
Ayon kay Akbayan Rep Tom Villarin, “Duterte is beyond pray overs.”
Ibinenta na, aniya, ni Duterte ang kanyang kaluluwa sa demonyo. “
“He has sold his soul to the devil and the only redemption is voluntary renunciation of the presidency as an act of personal atonement,” ani Villarin.
Kaugnay nito, binatikos ni Villarin ang Simbahang Katolika sa sobrang lambot kay Digong.
Ani Villarin, bulag ang simbahan sa mga nangyayari sa sambayanan na naghihirap dahil sa extrajudicial killings, mataas na inflation, pagkawala ng pananagutan at ang pagbebenta ng ating soberanya sa China.
Hindi nakikita ni Cardinal Tagle ang kabuuan ng kalagayan ng mamamayan sa kabila ng patuloy na pag atake nito sa simbahan, ang pagmura sa Santo Papa, ang pangangatuwiran sa pagpatay sa mga pari at ang patuloy na extrajudicial killings.
Aniya, isang kawalan si Cardinal Sin na nagsulong ng mapayapang 1986 people power revolt sa mga panahong ito.
Sinabi ni Villarin na hindi dapat mahulog sa bitag ang simbahan sa pagtawag ni Duterte sa usapan.
(Gerry Baldo)