Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oath of office nilapastangan ng pangulo

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech

READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan

READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

NILAPASTANGAN ni Pangulong Duterte ang kanyang oath of office sa pagtawag niya sa Diyos na “stupid.”

Ayon kay Rep. Edcel Lagman ng Albay, ang oath of office ni Duterte ay natatapos sa mga katagang “So help me God” habang nakapatong ang kanyang kamay sa Banal na Biblia.

Pagkatapos humingi ng pahintulot sa Pangi­noon sa pagtupad ng kan­yang mga tungkulin ngayon ay kanyang aali­pustahin, ani Lagman.

Ito ay paglabag sa kan­yan taimtim na pa­nunumpa, dagdag ni Lagman.

Hindi, aniya, siya nagugulat sa pagkawala ni Duterte ng katapatan sa mga tao sa kabila ng patuloy na pagsakop ng China sa maliliit na isla at bahura sa loob ng exclusive economic zone ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Para kay Akbayan Rep. Tom Villarin itinaboy ni Digong ang karamihan na Kristiyano sa bansa.

Ito umano ay nagpapakitang magulo ang utak ng Presidente kabilang ang walang humpay na pagbanat sa mga tao at institutions na mapamintas sa kanya.

Sa isang talumpati sa Davao noong Biyernes tinawag ni Digong ang Panginoon na estupido habang kinuwestiyon niya ang pagpapabaya umano ng Diyos kay Adan at Eva na magkasala.

(Gerry Baldo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …