Monday , December 23 2024

Pag-uwi ni Joma kanselado

READ: Peace talks ikinansela: Duterte patalsikin — Joma Sison

READ: Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte)

READ: Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin

READ: Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma)

READ: Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista

READ: Joma ‘nabansot’ sa FQS (Sana’y may sapat na apo para hikayatin)

READ: Heart-to-heart talk hirit ni Digong kay Prof. Joma

READ: Joma hindi mamamatay sa sariling bayan — Duterte

READ: Kill Duterte & Joma plot tinawanan ni Lorenzana

KINANSELA ni Com­munist Party of the Philippines (CPP) found­ing chairman Jose Ma. Sison ang planong pagba­lik sa Filipinas sa Agosto dahil naudlot ang iti­nakdang peace talks sa 28 Hunyo.

Sa mensahe sa Face­book messenger, sinabi ni Sison na ang naunang balak niyang pag-uwi sa bansa ay batay sa inaa­sahan sanang paglagda sa interim peace agree­ment sa Oslo, Norway sa 28-30 Hunyo ngunit naunsyami dahil sa pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks.

“Dating plano at estimate na makauuwi ako sa (Fili)pinas sa August. Inasahan namin sa NDFP na malalagdaan na ang interim peace agreement sa Oslo sa June 28-30 at sa isa o dalawang buwan pa matatapos na rin ng mga negotiating panel ang CASER. Pero sinira ni Duterte ang sked dahil sa kinansela niya ang June 28-30 resump­tion of formal talks,” ani Sison.

Aniya, ang hirit sa kasalukuyan ng gobyer­nong Duterte ay magdaos ng unilateral meetings ng magkabilang panig sa loob ng susunod na tatlong buwan.

“Hinihingi ngayon ng GRP na unilateral meet­ings muna ang gagawin ng GRP at NDFP in the next 3 months. Malaking delay ‘yan bunga ng cancelation ng June 28-30 resumption sa Oslo,” sabi niya.

Ilang beses nang inihayag ni Pangulong Duterte na pabor siya na isagawa sa Filipinas ang peace talks kasabay nang pag-anyaya kay Sison na umuwi sa bansa para lumahok sa usapan at sagot niya ang lahat ng gastos ng lider-komu­nista.

Tiniyak ni Duterte ang kaligtasan ni Sison habang nasa Filipinas at ihahatid niya sa paliparan para bumalik sa The Nether­lands kapag nabigo ang peace talks.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *