MEDIA censorship.
Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipinadalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Cotabato City.
Si Doguiles ang tumayong moderator sa naturang press briefing.
Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-ning statement ay inatasan niya si Doguiles na alternate na basahin ang mga tanong mula sa local media at Manila reporters ngunit hindi sinunod ng PIA official.
Kahit may mga tanong mula sa Palace reporters ang hindi pa nababasa, sinabi ni Doguiles kay Roque na wala nang mga tanong.
“Q: Sir, last question na lang daw po. SEC. ROQUE: Marami pa kasing question sa Manila. Q: Wala na sir. SEC. ROQUE: A na ano na. Okay,” bahagi ng transcript ng nasabing press briefing.
Ikinatuwiran ni Doguiles kay Director Dennis Ting ng Office of the Presidential Spokesperson, paulit-ulit ang mga ipinadalang tanong ng Palace reporters kaya hindi niya binasa.
Kabilang sa hindi binasa ni Doguiles ang tanong mula sa HATAW D’yaryo ng Bayan, hinggil sa kontrobersiyal na anti-illegal immigrants policy ng administrasyon ni US President Donald Trump na binatikos ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein.
“Will PRRD support the UN Human Rights Commissioner’s call on the US to immediately end the practice of forcible separation of children from their parents in US borders in pursuit of its anti-illegal immigrants policy?”
Batay sa ulat, umabot sa mahigit 2,000 bata ang puwersahang tinangay ng US authorities mula sa kanilang mga magulang na illegal immigrants sa border ng Amerika at inilagak sa mga mistulang kulungan ng mga hayop.
(ROSE NOVENARIO)