IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Patricia Fox na manatili sa bansa.
“We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang missionary visa ni Sister Fox sa tourist visa.
Paliwanag ni Guevarra, hindi kasama sa kapangyarihan ng BI ang forfeiture ng visa.
“Our existing immigration laws outline what the BI can do to foreigners and their papers—including visas—when they commit certain acts within Philippine territory. What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” ani Guevarra.
Hindi aniya puwedeng basta bawiin ang isang visa nang walang legal na basehan kaya inatasan ang BI na magsagawa ng pagdinig sa kaso ng visa cancellation at deportation case.
Noong Abril ay dinakip si Fox sa kanyang bahay sa Quezon City sa bisa ng mission order na nilagdaan ni Commissioner Jaime Morente dahil sa paglahok ng madre sa mga kilos-protesta sa bansa.
(ROSE NOVENARIO)