NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado sa seryosong negosasyong pangkapayapaan.
Ani Sison, wala nang pagpipilian ang mga rebolusyonaryong puwersa at mga mamamayan kundi puspusang isulong ang digmang bayan upang makamit ang pambansa at panlipunang pagpapalaya sa sambayanang Filipino.
“Because the GRP under Duterte is obviously not interested in serious peace negotiations, the revolutionary forces and the people have no choice but to single mindedly wage people’s war to achieve the national and social liberation of the Filipino people,” ani Sison sa isang kalatas sa media.
Malinaw aniya na ang pagsibol ng malawak na nagkakaisang prente ng lahat ng puwersang anti-Dutere ay upang isakatuparan ang pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen bunsod ng mga kasalanang “treason, mass murder, drug smuggling, corruption, intolerable tax burden, inflating prices of basic goods and services, rising rate of unemployment, depreciation of the peso, onerous loans and overpriced infrastructure projects” na nagpalala sa pagsasamnatala at pang-aapi sa ating bansa.
Ikinadesmaya ni Sison ang pagtalikod ng gobyerno sa mga nilag-daang kasunuduan hinggil sa pagdaraos muli ng formal peace talks sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway.
ni ROSE NOVENARIO