Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris kay Ipe — ‘Di niya kami ginamit o ginulo

NAG-POST si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng picture niya at ng dalawang anak na sina Josh and Bimby, na nasa loob sila ng isang eroplano.

Sa comment section, isang netizen na may  user name na @no_name5284 ang nagsabi na, “Swerte ni Phillip S. walang ginastos yata ni isang piso kay joshua!, ang mahal kaya magpalaki at bumuhay ng special child. Kaya pasalamat si Phillip kay Kris, mayaman si Kris.”

Ang Phillip S na tinutukoy ng netizen ay si Phillip Salvador na ama ni Joshua.

Sa comment na ‘yun ng netizen, nag-reply sa kanya si Kris. Sabi nito, “No issue at all. Kasi hindi niya kami ginulo or ginamit pang publicity. Kaya grateful ako,”

Base sa reply ni Kris, pinatatamaan kaya niya ang dati rin niyang nakarelasyon na si James Yap?

Noong na-interview kasi si James sa TV Patrol noong 2013, noong kao-open pa lang ng isang bar, na part owner siya, sinabi niya sa interview niya na  hindi raw ipinahihiram ni Kris sa kanya ang anak na si Bimby. Miss na miss na nga niya ito dahil matagal niya na itong hindi nakikita.

Na noong mapanood ni Kris ang interview na ‘yun, sabi niya, ginagamit lang sila ni James para mapag-usapan ang bar.

So, si James nga kaya ang pinatatamaan ni Kris?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …