Monday , December 23 2024

Duterte binulaga ng lightning rally sa Cavite

HINDI natinag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa lightning rally na isi­nagawa ng may sampung aktibista sa harap niya bago magtalumpati sa 120th Independence Day sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga.

“Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” ani Duterte habang hinihila palayo ng mga pulis at mga kagawad ng Presi­dential Security Group (PSG) ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan – Southern Tagalog (Bayan-ST) na humihiyaw ng “Patal­sikin si Duterte.”

Anang Pangulo, ga­ran­­tisado ng Kons­ti­tusyon ang freedom of the press, freedom of as­sembly and free expres­sion” kaya ang payo niya sa mga awto-r­idad, pa­iralin ang maxim­um tole­rance sa mga ak­tib­ista.

Aminado ang Pangu­lo, may mga bagay na hindi pinagkakasunduan ngunit may tsansa na ibinigay ang Saligang Ba-t­as na ihalal ang kursu-n­adang maging pangulo ng bansa kada anim na taon.

“E hindi man ho natin… We cannot agree at all times for all seasons. But at least we have this exercise once every six years I suppose under this new Constitution and you can elect the leaders that you want to run the country,” paliwanag ng Pangulo.

Sinampahan ng kaso ng Cavite Provincial Of­fice ang isa sa 10 nagsa­gawa ng lightning rally sa Aguinaldo Shrine kasabay ng pagsisimula ng talumpati ni Pangu­long Duterte kahapon.

Sinabi ni Cavite Provincial Police director, S/Supt. William Segun, kasong paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code o disturbance of peace ang isasampa laban kay Fancis Couichie Rafael na dumayo sa Kawit mula sa Biñan, La­guna. Nakatakas ang siyam iba pang kasamahan ni Rafael.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *