KAILANGAN sumailalim sa drug test ang mga tsuper ng bus bago sumabak sa long trip o mahahabang biyahe.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng naitalang mga trahedya sa kalsada kamakailan.
Ani Duterte, lumang tugtugin na ang alibi na nawalan ng preno kaya’t nakaaksidente ang isang bus driver kaya ang kailangan ipatupad ang “no drug test, no driving policy” para sa mga driver ng bus na sasabak sa mahabang biyahe.
Dagdag ng Pangulo, hindi rin pahihintulutan ang iisang driver para sa mga paglalakbay na milya-milya ang distansiya.
Dahilan ito, ayon sa Pangulo, para gumamit ng illegal drugs ang mga tsuper at maging lutang habang bumibiyahe na naglalagay sa peligro ng buhay ng mga pasahero.
ni ROSE NOVENARIO