READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija
READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari)
READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa)
READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa)
PINAGBABARIL ang isang pari sa Nueva Ecija sa loob mismo ng simbahan matapos siyang magmisa kagabi.
Batay sa inisya na ulat, pumasok ang mga armadong kalalakihan sa loob ng San Pablo Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija at pinagbabaril si Fr. Richmond “Nilo” Villaflor na katatapos lang magmisa.
Si Fr. Nilo ang ikatlong pari na pinatay sa loob ng nakalipas na anim na buwan.
Nauna rito, tinambangan noong 5 Disyembre 2017, si Fr. Marcelino Paez sa Nueva Ecija habang pauwi mula sa pagdalaw sa isang political detainee sa bilangguan.
Noong 29 Abril 2018, pinaslang ng hindi kilalang mga suspek si Fr. Mark Ventura ilang minuto makaraan siyang magmisa sa Brgy. Peña, West, Gattaran, Cagayan.
Habang si Rev. Rey Urmeneta ay malubhang nasugatan nang tambangan sa Calamba City, Laguna noong nakaraang Miyerkoles, Hunyo 6.
Mula nang maluklok sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang beses na siyang nagpakawala ng maanghang na pagbatikos sa mga alagad ng Simbahang Katolika.
ni ROSE NOVENARIO