Saturday , November 16 2024

Barangay execs sisibakin — Duterte

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duter­te na sususpendehin o tatang­galin sa puwesto ang barangay officials na may mataas na drug-related crimes sa kanilang komu­nidad.

Sinabi ng Pangulo, kailangan magpaliwanag ang barangay chairman kay Department of In­terior and Local Govern­ment (DILG) officer-in-charge Eduardo Año kapag nanatiling talamak pa rin ang illegal drugs at krimen sa kanilang pamayanan.

“If there are many drug addicts and rape cases and you still won’t take action, General Año will have you called. Explain to me in 72 hours why most of the cases in your barangay are drug-related,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa mass oathtaking ng bagong halal na barangay officials sa Lapu-lapu City, Cebu noong Biyernes.

Ang anomang pali­wa­nag aniya ng barangay chairman ay ipabubusisi niya sa intelligence community bago niya suspendehin o tanggalin sa puwesto.

“Many were raped while some were stabbed. Then I will file the — I’ll make the same recom­mendation. When I see it, I will validate it with the intelligence community. If they say, “It’s true, sir,” I will suspend or dismiss you administratively,” aniya.

“I will remove all your powers. And I will decide. Gross neglect of duty. It’s a dismissable offense. But if you are just working hard and somehow get entangled, then you go to General Año. Explain to him,” giit ng Pangulo.

Ipinahiwatig ng Pangulo na maaari niyang ipa-wiretap ang barangay execs kaya’t hindi siya puwedeng linlangin dahil puwede niyang marinig ang pakikipag-usap nila sa telepono kahit kanino.

“If it’s true, I will check it and have it counter-checked as well. I did not lack in — I take care of everyone. I can hear you even in your phone calls. I can intercept you. Even if you’re in the Middle East, if you’re calling someone in the Philippines, I can hear what you are saying,” dagdag niya.

Bago idinaos ang barangay at SK elections noong 14 Mayo ay naglabas ng drug list ng barangay officials ang DILG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *