Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex Battalion, enjoy magtrabaho kasama si Alden Richards

ANG hip-hop group na Ex Battalion pala ang kumanta with Alden Richard ng theme song ng upcoming GMA-7 prime-time teleserye fittingly billed Victor Magtanggol.

The group came into prominence by way of the hit song “Hayaan Mo Sila.”

“Ang bilis lang namin natapos ‘yung pag-record no’ng kanta kasi marunong siya. Hindi siya nahihirapan,” intoned Ex Battalion member Archie at the press conference of Viva Entertainment’s collaboration with the group, with Ai-Ai delas Alas no less.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool and Events Place, sa Kyusi last Friday, June 1.

Archie noticed what a keen observer Alden was.

“Minsan nga siya pa ang nakapapansin na parang siya pa ‘yung, ‘May mali.’ Talagang alam mong naiintindihan niya kung ano ang ginagawa niya.”

Dagdag ni Mark, “At gusto niya. Gusto niya talaga. Saka ang pogi niya.”

Member Archie opined that writing the theme song for Alden’s upcoming project was a veritably humbling experience.

“Kasi dati no’ng walang naniniwala sa amin, magyayabang agad ako. Wala namang may paki sa ‘kin.

“No’ng ginawa namin ‘yon, galing sa malalaking tao ang compliment, para saan ba ba’t ka pa magyayabang?”

Sa pamamagitan ng partnership ng Viva with Ex Battalion and Ai-Ai as well, the entertainment company aimed at a collaboration that would benefit all of them.

“Ang grupo (Ex Battalion) and Miss Ai, nag-partner kami para makatulong sa pag-enhance ng kanilang career,” asseverated Viva Entertainment head Vincent del Rosario.

Idinagdag pa niyang magpo-produce raw sila ng pelikula na pangungunahan ng grupo at ni Ms. Ai. May mga nakaplano ring concerts para sa group.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …