HINDI lang ang mga senior o elderly ang nagigiliw kay Willie Revillame dahil pati ang Pangulong Rodrigo Duterte ay aliw na aliw sa kilalang TV host/actor.
Tila nakuha nga rin ni Willie ang kiliti ni PDu30 dahil magiliw ang Pangulong nakipag-usap sa kanya kamakailan.
Tumagal nga ang pag-uusap ng dalawa na ang balita, susuportahan ng Pangulo ang political plans ni Willie.
Nabalita rin kasing tatakbong Mayor ng Quezon City si Willie. Tumindi pa ang usaping ito nang makitang magkasama sina Willie at ang vice mayoral bet na si Congressman Winnie Castelo na naghahanap ng lugar para patayuan nang pabahay.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.