Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Paalala ni Diño at pagbuhay sa Marawi

Coming together is a beginning; keeping together is progress; working together is success.

                          — Edward Everett Hale

 

PINAALALAHANAN ni Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang lahat ng nagsipanalo sa kata­tapos na halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan na tuparin ang kanilang mga pangako sa kanilang nasasakupan at sundin ang ibinigay na mandato ng mga bumoto sa kanila at maglingkod nang tapat sa bayan.

Kaugnay nito, hinimok din niya ang mga talunan sa nasabing halalan na tumulong sa pagbabantay sa mga nahalal na barangay official upang matiyak na hindi sila umaabuso sa kanilang kapangyarihan at hindi rin sila pabaya sa tungkuling iniatas sa kanila para maglingkod sa publiko at mamamayan nang walang pag-aalinlangan.

Idiniin ng kalihim: “Gawin ninyo ang trabaho n’yo dahil iyan ang pinangako n’yo noong tumakbo kayo at kumandidato kaya ngayon nahalal kayo, wala kayong dapat gawin kundi pakinggan ang mga kahilingan at hinaing ng inyong nasasakupan para sa ikauunlad ng kani-kaniyang komunidad.”

Nagbabala rin si Diño na mahaharap sa asunto ang sinumang opisyal ng barangay na lalabag o aabuso sa kanilang tungkulin at titiyakin niyang mapaparusahan sa sandaling napatunayan sa kanilang mga paglabag.

Ayos!

****

SINASABI ng National Economic Development Authority (NEDA) na kakai­langanin ng pamahalaan ang mahigit P53.4 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City — at hindi pa kasama rito ang halaga na kakailanganin para sa pagpapagawa ng kabuuan ng ground zero o ang pinakanapinsalang bahagi ng lungsod.

Ayon sa NEDA, ang malaking bahagi ng P53 bilyon ay gagamitin ngayong taon para sa pagpopondo sa 800 priority program, project at activity na nakatakdang kompletohin hanggang sa taong 2022.

Ani NEDA Secretary Ernesto Pernia: “We have something to start with, I think that’s the most important thing, we’re for almost half of the year over. Getting started is what is important.”

Sa breakdown ng ahensiya, kailangan ang P26.148 bilyon para physical infrastructure; P5.867 bilyon para sa social services at mahigit P10.383 bilyon para sa housing settlements. Kailangan din ang P7.765 bilyon para sa livelihood at business development; P1.251 bilyon para sa local governance at peace-building at P2.004 bilyon para sa land resource at management.

Sa kabila ng malaking halagang kailangan, may kompiyansa ang NEDA na matutugunan ang lahat ng pamahalaan.

Punto ni Pernia: “You know the leadership is determined to get Marawi back on its feet… ‘Bangon Marawi’ ang tawag. There are commitments.”

Teka, hindi naman kaya matulad lang ito sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala ng bagyong Ondoy?

****

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o mag-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …