Tuesday , December 24 2024

Jeron Teng, 2 cagers sugatan sa rambol

SUGATAN si Philippine Basketball Association player Jeron Teng at mga kasamang sina Norbert Torres at Thomas Torres maka­raan saksakin sa naga­nap na rambol sa Taguig City, nitong Linggo ng umaga.

Arestado ang mga suspek na sina Edmar Manalo, 40; Joseph Varona, 33; at Willard Basili, 38-anyos.

Isinugod sa Saint Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang mga biktimang sina Alaska rookie Teng, 24; Norbert, 28, player ng Rain or Shine; at Thomas Christopher, 23, dating La Salle guard.

Sinasabing sinaksak sa likod si Teng habang sa braso ang kanyang mga kasamang sina Norberto at Thomas Torres.

Ayon sa ulat ng Taguig Police, nangyari ang insidente sa labas ng Early Night Club Fort Strip sa BGC, dakong 2:30 ng madaling-araw.

Naglalakad umano ang tatlong basketball player nang biglang komprontahin ng mga suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananaksak.

Agad nahuli ng mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP-7) ang tatlong suspek habang dinala sa paga­mutan ang sugatang mga biktima.

Nakatakdang sampa­han ng kaukulang kaso ang tatlong suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *