Monday , November 25 2024

Dr. Milagros How, inanunsiyo ang 7 finalists sa ToFarm Filmfest 2018

INANUNSIYO na ni Dr. Milagros How ang pitong pelikulang nakapasok sa ToFarm Film Festival. Bukod sa pagigig presidente ng Universal Harvester Inc., siya ang Mother of ToFarm at brainchild niya ang naturang filmfest na ang adbokasiya ay makatulong sa agricultural industry sa pamamagitan ng pagsasapelikula ng mga buhay, pagsubok, at tagumpay ng mga magsasaka.

Natuwa si Dr. How sa rami ng dumating na entries. “Maraming magagandang entries, nahirapan ang director committee sa pagpili.

“Meanwhile, I promise you I’m expecting an exciting line-up for this year’s ToFarm Film Festival. Mayroon kaming comedy, may science fiction, may period film, may bio-pic, etcetera. I am sure that direk Maryo is smiling on us from heaven. He loves ToFarm Film Festival and gave it his all. It is our duty, tayong mga naiwan niya, to continue this work in support of the Filipino Farmers, dahil wala tayo rito kung wala ang ating mga magsasaka,” saad pa ni Dr. How.

Ang pitong entry na pumasok ay ang 1957, Alimuom, Fa-sang, Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story), Lola Igna, Mga Anak ng Kamote, at Sol Searching.

Ang 1957, ay isang historical drama na isinulat at pamamahalaan ni Hubert Tibi. Ito’y ukol sa mga magsasaka sa Bicol na nasa ilalim ni Don Pepe, isang istriktong landlord. Ang Alimuom ay isang science fiction, na isinulat at pamamahalaan ni Keith Sicat. Isang period romance naman ang Fasang na isinulat ni Charlson Ong na ibinase sa classic Philippine short story na Tanabata’s Wife. Ang Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story) ay isang biopic naman na isinulat ni Rosalie Matilac, pamamahalaan ito nina Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac, at Milo Paz. Cultural drama naman ang Lola Igna na isinulat at pamamahalaan ni Eduardo Roy Jr., na kukunan sa Sagada. Futuristic drama ang Mga Anak ng Kamote na isinulat ni John Carlo Pacala at pamamahalaan ni Carlo Catu. Samantalang ang Sol Searching ay isang dark comedy na isinulat at ididirehe ni Roman Perez Jr.

Ito na ang 3rd ToFarm na sinimulan ni Director Maryo J. de los Reyes as festival director. Sa taong ito, ang writer-actress-director na si Bibeth Orteza ang pumalit kay Direk Maryo, samantalang si Direk Joey Romero ang managing director nito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *