PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa P34.71 milyong halaga ng 116 smuggled motorsiklo at anim pang mga sasakyan sa Bureau of Customs sa Port Area, Maynila kahapon.
Ang sinirang mga sasakyan ay pawang mga brand new na Vespa scooters, BMW, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph, 2 unit ng Land Rover, isang Volvo at tatlong Mitsubishi Pajero.
Kasabay ito sa pagwasak sa Port of Cebu sa used 2002 Ford Ecoline E350 at 2005 Ford Ecoline 350.
Una nang nagsagawa ng ganitong pagsira sa mga nakokompiskang kontrabando ang BoC noong Pebrero na 20 mamahaling mga sasakyan ang winasak na umabot sa P61 milyon ang halaga.
(ROSE NOVENARIO)