PATAY ang isang preso makaraan bugbugin ng mga kapwa preso sa loob ng Antipolo City Jail, nitong Lunes ng gabi.
Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Margine Sanchez.
Ayon sa Antipolo Police, unang humingi ng tulong sa isang kapwa preso ang biktima dahil nahihirapan siyang huminga. Agad siyang dinala sa Rizal Provincial Annex ngunit hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.
Nang siyasatin ang katawan, napag-alaman na binugbog pala ang biktima ng mga kapwa presong sina Jimmy Apable, Rodelio Alcuriza at Daniel Sallan.
Patuloy ang imbestigasyon mga awtoridad sa insidente.