BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang mahulog mula sa ikasiyam palapag ng isang condominium building sa Brgy. Paligsahan, Quezon City, nitong Sabado.
Ayon sa Quezon City police, posibleng tumalon ang 13-anyos dalagita mula sa gusaling kanilang tinitirahan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, walang dahilan o problema ang dalagita para tumalon.
Posible raw na-curious lang ang babae dahil nahulog itong may hawak na payong, na ayon sa pulisya ay maaaring ginamit bilang parachute.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga magulang, partikular ang mga nakatira sa matataas na gusali, na bantayan maigi ang kanilang mga anak para maiwasan ang kagayang insidente.