PATAY ang alkalde ng bayan ng Buenavista sa lalawigan ng Bohol makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki, nitong Linggo ng hapon.
Ayon kay C/Insp. Rolly Lauron ng Buenavista Police, si Mayor Ronald Tirol ay binaril sa loob ng cockpit arena sa bayan ng Clarin dakong 3:00 ng hapon.
Sinabi ni Lauron, ang mga bodyguard ay hindi kasama ng biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaki ang local chief executive.
Ang mga suspek na hindi nakuha ang pagkakakilanlan, ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.
Ayon kay Lauron, nakaligtas ang alkalde sa pagtatangka sa kanyang buhay dalawang taon na ang nakararaan sa nasabi rin cockpit arena.
Aniya, tinitingnan ng pulisya na posibleng politika ang dahilan ng pagpaslang sa alkalde.