Saturday , November 16 2024

5 Cameroonians, Pinay nasakote sa pekeng dolyares

NABUWAG ang sindi­kato ng pekeng US dollars makaraang madakip ang limang Cameroonian nationals at isang Filipina sa ikinasang opera­syon ng mga operatiba ng Que­zon City Police District-District Special Operation Unit (QCPD-DSOU), kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Sa ulat ni Supt. Gil Torralba, DSOU chief, kay QCPD director, Chief Supt. Joselito Esquivel, kinilala ang mga ares­tadong sina Bame Jacob, 42, auto mechanic, resi­dente sa 5th Ave. Condo Place, Bonifacio Global City; Ogie Oscar Mbang, 48, businessman, resi­dente sa Guadalupe, Makati; Tangang Yannick Ndare, 27, estudyante, nakatira sa Guadalupe; at Aly Camara,33, naka­tira sa St. Francisco Street, Sta. Rosa, Laguna.

Arestado rin sina Michael Amungwa, 42, isa ring Cameroonian, at Ma. Ruby Verzosa, 55, Filipina, dahil sa tang­kang panunuhol ng P200,000 sa mga operatiba.

Habang ang mga bikti­mang nakabili ng pekeng dolyar ay sina Nancy Payumo, 40, Peter Telan, 58, Leonardo Ber­nardo, 46, at Evelyn Tuason.

Ayon sa mga biktima, noong Abril 2018, nakilala nila ang mga suspek at ipinakita sa kanila kung paanong magmistulang genuine ang pekeng dolyar sa pamamagitan ng isang kemikal na inimbento ng sindikato.

Para makombinsi ng sindikato ang mga bik­tima, dinala sila sa isang hindi kilalang lalaki at binentahan ng pekeng $100 na nilagyan ng kemikal.

Kinompirma ng lalaki na genuine ang dolyar at binili ang $100 ng P5,200 sa mga Cameroonian.

Makaraan makombin­sing bumili ng mga pekeng $100 ay hinikayat naman sila na bumili ng kemikal sa halagang P300,000.

Nitong 16 Mayo 2018, dakong 1:00 pm., sa parking area ng Trinoma ibinigay ang P300,000 ng mga biktima sa mga suspek para sa kemikal.

Ngunit nitong 21 May  2018 sa nasabi ring lugar, nagkita ulit ang mga biktima at suspek para sa delivery ng kemikal ngu­nit binigyan lamang sila ng mga pekeng 100 US dollars na nakalagay sa transparent plastic at pinangakuhan na sa 23 May pa ang kemikal at sa SM North EDSA sila magkita-kita.

Dahil dito, nagpasya nang magreklamo sa DSOU ang mga biktima na nagresulta sa pagka­kadakip sa apat miyem­bro ng sindikato dakong 7:30 pm kamakalawa.

Habang iniim­bestiga­han sa opisina ng DSOU ang mga suspek, duma­ting ang dalawa pang kasabwat ng apat na sinaMichael Amungwa, 42, isa ring Cameroonian, at Ma. Ruby Verzosa, 55, Filipina, at sinuhulan ang mga operatiba ng P200,000 cash kapalit ng pagpapakawala ng apat nilang kasamahan. Ngu­nit agad inaresto ni Torralba ang dalawa.

(ALMAR DANGUI­LAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *