Sunday , November 17 2024
RIO DE JANEIRO, BRAZIL - AUGUST 07: Katie Ledecky of the United States competes in the Women's 400m Freestyle heat on Day 2 of the Rio 2016 Olympic Games at the Olympic Aquatics Stadium on August 7, 2016 in Rio de Janeiro, Brazil. (Photo by Adam Pretty/Getty Images)

World record sa freestyle binasag ni Katie Ledecky

BINASAG ni five-time Olym­pic swimming champion Katie Ledecky ang sarili niyang 1,500-meter freestyle world record ng limang segundo sa kauna-unahan niyang paglangoy bilang isang propesyonal.

Naabot ng 21-anyos na American swimming sensation ang pader ng swimming pool sa loob ng 15 minuto at 20.48 segundo sa Pro Swim event sa Indianapolis para burahin ang previous best na 15:25.48 na kanya rin itinala sa World Championships sa Kazan noong 2015.

“I was pretty surprised when I saw the ‘20’,” ani Ledecky sabay tawa dahil talagang inasahan niyang sa paglangoy ng araw na iyon ay makukuha niya ang mababa sa 15:30.

“When I saw the 15:20 I was pretty shocked,” dagdag ng dalaga.

Ang swimming meet sa Indianapolis ang kauna-unahang nilahukan ni Ledecky simula nang magpropesyonal siya kasunod ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) collegiate championships nitong nakaraang buwan ng Marso.

“My first pro swim — that’s one I’ll never forget,” inamin niya para sabihin din na hindi nagbago ang kanyang pakiramdam bilang swimmer matapos maging propesyonal.

Napanalunan ni Ledecky ang gintong medalya sa 800m sa 2012 Olympics at nasundan ito ng apat pang ginto at isang pilak sa Rio Olympics dalawang taon makalipas.

Isasama pa lang ang 1,500m freestyle bilang Olympic event para sa kababaihan sa darating na 2020 Olympics sa Tokyo.

Habang under world-record pace ang naitala ng dalaga sa panimula ng karerahan sa naitala niyang 49 seconds clear sa pinakamalapit na finisher sa kanyang heat, si Ledecky ngayon ang nagmamay-ari ng walo sa pinakamabilis na oras na naitala sa kasaysayan ng freestyle event mula pa noong 2013.

Bukod dito, mayroon din siyang 14 career world-record swims.

“It’s a feeling that never gets old,” aniya sa panayam ng media.

“I knew I was going to have a good swim. I’ve just been training really, really well, doing some things that I haven’t done before,” dagdag ng dalaga.

“I didn’t know if the good training that I’ve put in these past six weeks was going to translate immediately here or if it was going to be down the road. I got into the race and felt good and just tried to hold steady the whole way.”

Magkakaroon pa ng maraming oportunidad si Ledecky na ipakita ang kanyang galing sa Indianapolis, na kalahok siya sa 100m, 200m, 400m at 800m freestyle at sa 200m at 400m individual medley. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *