WALANG dapat ipagdiwang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng sambayanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad.
Wala aniyang balak si Pangulong Duterte na magtungo sa Marawi City ngayon para lumahok sa paggunita nang pagwasak ng Maute- ISIS terror group sa lungsod.
“The start of the Marawi siege is something that is not worth celebrating. And for being such, the President is not keen on visiting Marawi a year after it was desecrated by members of the ISIS-Maute group,” ani Go.
“What we should do at this time is to reflect on the lessons we have learned during this dark chapter in our history, to prevent a similar incident from happening again in any part of our country and to sustain our efforts to rebuild and rehabilitate the city,” dagdag niya.
Pupunta sina Pangulong Duterte at Go sa Oktubre o sa anibersaryo ng liberasyon ng Marawi City.
“The President and I, however, prefer to join the people of Marawi City during the celebration of its liberation. Mas nanaisin ng Pangulo na sa muling pagdalaw niya sa Marawi ay makitang nakabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Maranao. Sa ngayon, maganda ang takbo ng rehabilitasyon ng Marawi City at 70% ng mga residente ay nakabalik na sa kanilang tahanan,”giit ni Go.
ni Rose Novenario