Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnel Ignacio malacanan

Arnel, mas naging karespe-respeto sa bagong imahe

‘DI tulad ng dati, mas ramdam namin  ngayon ang pagiging nasa panunungkulan ni OWWA deputy administrator na si Arnel Ignacio.

Kilalang supporter ni Digong Duterte noong nangangampanya pa ito sa pagka-Pangulo, unang itinalaga ang TV host-comedian sa isang departamento sa Pagcor na namamahala sa mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga komunidad sa bansa.

Bagama’t nagampanan naman ni Arnel ang kanyang trabaho, mas napansin ang kanyang pamamalakad sa ahensiyang may kinalaman sa mga kapakanan ng ating mga OFW. Nagkataon din kasing napasabay si Arnel sa mga isyu kamakailan lalong-lalo na ng mga naka-deploy sa Kuwait.

Sa mga recent interview kay Arnel, kapansin-pansin ang malawak niyang kaalaman para i-address ang mga karaniwang problemang kinakaharap ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa.

Although hindi naman orihinal na idea ni Arnel ang tinatawag nilang “immersion” bilang pagsasanay sa uri ng pamumuhay abroad, maganda ang ginagawa niyang pagpapalaganap nito.

Malayong-malayo rin sa kanyang imahe noon bilang showbiz celebrity ang hitsura ngayon ni Arnel, dagdag puntos ‘ika nga para magmukhang credible sa mga adhikain ng gobyerno.

New look ang inirarampa ngayon ni Arnel in terms of hairstyle. Hairstyle, ‘ika nga n’yo?

Alam ng lahat na may negosyong hairpiece o mga wig si Arnel, himself na pinagtampuhan ng ‘ika nga’y crowning glory.

Hindi namin tiyak kung peluka ‘yon na isinalpak sa kanyang ulo o natural na buhok na tumubo sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat sa mga hair-growing chemicals, but one thing’s for sure, nakaka-enhance ‘yon ng kanyang image bilang isang karespe-respetong tauhan ng pamahalaan.

Goodbye to his cheap showbiz image.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …