SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa presidential sister kaugnay ng Mindanao railway project.
Sa press briefing , sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pakikipag-usap sa isang malapit na kamag-anak ni Pangulong Duterte ang naging dahilan ng pagsibak kay Tolentino.
Ani Roque, ang pakikipag-usap sa sinomang kamag-anak ng Pangulo na may kinalaman sa appointment o anomang proyekto ng gobyerno ay maaari nang gawing basehan para alisin sa posisyon ang sinomang opisyal ng pamahalaan.
Noong 28 Setyembre 2017, naitalaga si Tolentino sa DOTR bilang kapalit ng nagbitiw na si dating spokesperson Cherrie Mercado bilang head ng communication office ng ahensiya.
(ROSE NOVENARIO)