BINAWIAN ng buhay ang isang re-elected barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon province, kahapon ng umaga.
Sa ulat kay Police Regional Office IVA director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Kagawad Felix Moldon, residente sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay.
Ayon sa ulat, dakong 7:45 am, sakay ng motorsiklo ang biktima at nakatigil sa highway sa Brgy. Sta. Rosa nang dumating ang nag-iisang suspek lulan din ng motorsiklo at pinagbabaril ang kagawad.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at kung may kinalaman ang insidente sa katatapos na nabarangay election.
Si Moldon ay isang re-elected at nanalo bilang number one kagawad sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay ng nasabing lalawigan.
(ALMAR DANGUILAN)