Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louise at Bela, trip ng baguhan

IPINAKILALA sa press ni CEO/President ng BeauteDerm na si Ms Rhea Anicoche Tan ang kanyang kamag-anak na si Christienne Viloria na gustong subukan ang showbiz.

Pakilala ni Ms Rei, ”Guys meet Christienne, kamag-anak ko ‘yan, gustong mag-artista ano ba sa tingin n’yo?”

Na sinagot naman ng mga press people ng thumbs up, dahil bukod sa angking kaguwapuhan ay maganda ang PR kaya naman mukhang mamahalin at kagigiliwan.

Isa si Christienne sa naging espesyal na panauhin sa launching  ni Arjo Atayde bilang brand ambassador ng The Origin Series perfume ng BeauteDerm, (Alpha, Radix, at Dawn) kaya naman nagkaroon ng pagkakataong ma-meet ito ng mga kapatid sa panulat.

Thankful nga ito at naimbitahan siya ni Ms Rei dahil idolo niya si Arjo dahil sa husay umarte. Ang pagiging versatile actor nga ang isa sa nagustuhan nito sa Kapamilya actor.

Katulad ni Arjo, gusto niya rin maging versatile actor na puwede magbida-kontrabida, mag-komedya, magdrama o mag-aksiyon if ever  mabibigyan ng pagkakataon sa showbiz.

Kaya naman balak nitong mag-undergo ng acting workshop para maihanda ang kanyang sarili sa pagpasok sa showbiz. Ilan nga sa artistang babae na gusto niyang makasama ay sina Louise Delos Reyes at Bela Padilla.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …