Monday , December 23 2024

2 Asecs pinagbibitiw — Roque

PINAGBIBITIW sa pu­westo ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang dala­wang assistant secretaries dahil sa umano’y pagka­kasangkot sa katiwalian at korupsiyon.

Inihayag ni Presi­dential Spokesperson Harry Roque ang desisyon ng Pangulo matapos ang isinagawang rekomen­dasyon ng Presidential Anti-Corruption com­mission (PACC).

Tinukoy ni Roque si Justice Assistant Secre­tary Moslemen T. Maca­rambon Sr., na dapat nang magpaalam sa posisyon dahil sa regular aniyang pagpapadrino sa suspected smugglers ng ginto at mga alahas sa Ninoy Aquino Interna­tional Airport (NAIA).

“The president has advised two assistant secretaries to tender their resignations or face termi­nation for corruption. One is, Assistant Secretary Moslemen T. Macaram­bon Sr., of the Depart­ment of Justice. Investi­gation conducted by the Presidential Anti-Cor­ruption Commission revealed that Asec. Ma­carambon has regularly been intervening on behalf of suspected smugglers of gold and other precious jewelry at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA),” ani Roque.

Kinilala rin ni Roque ang isa pa sa nais mawala ng Pangulo sa gobyerno si Assistant Secretary Ti­nga­gun A. Umpa ng Depart-ment of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pang­hihingi ng komisyon sa mga contractor sa ARMM.

“Likewise, Assistant Secretary Tingagun A. Umpa of the Department of Public Works and Highways has been advised to tender his resignation. Investigation conducted by the DPWH indicates that Asec. Umpa committed grave abuse of power and may have committed also acts of corruption, among others DPWH has sworn statements where Asec. Umpa allegedly asked from contractors in the ARMM area for certain percentages from projects awarded to these con­tractors,” dagdag niya.

Naniniwala si Roque na masusundan pa ito dahil sa kasalukuyan ay may 400 reklamo ang nakasalang sa PACC.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *