Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, may issue sa Kapamilya?

PALAISIPAN sa amin kung bakit walang follow-up teleserye si Ian Veneracion pagkatapos ng serye nila ni Bea Alonzo na A Love To Last na umere noong Enero hanggang Setyembre 2017 sa ABS-CBN.

Kadalasan kasi kapag nag-click o mataas ang ratings ng isang serye ay binibigyan ng follow-up project ang lead actors, pelikula man o teleserye.

Sa kaso ni Ian ay wala kaming alam na upcoming projects niya maliban sa sinasabi niyang magko-concentrate muna siya sa pagkanta.

Bagama’t kumakanta naman talaga si Ian, pero hindi ito ang talagang ginagawa niya sa showbiz dahil nakilala talaga siya bilang artista at on the side na lang ang pagiging singer, painter, at sportsman.

Kaya nagtataka kami sa pahayag niyang lie low muna siya sa pag-arte at itong pagiging singer muna ang aatupagin niya.

Pero ano itong narinig namin na babalik siya sa GMA 7? Hmm, ayaw na ni Ian sa Kapamilya Network? At kapag nangyari ito, eh, totoo nga ang mga narinig naming may isyu sila ng ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …