Thursday , December 26 2024

Hagupit ng SALN

DALAWANG chief justice o punong mahistrado na ang napatalsik sa kanilang puwesto dahil sa iregularidad ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Ang aral, huwag ipagsawalang-bahala ng mga kawani ng gobyerno, kasama na ang mga tinatawag na “political appointees” na naluklok sa posisyon sa gobyerno.
Hindi sila exempted sa sino mang opisyal at kawani ng gobyerno gaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kailangan sumunod sa batas gaya ng pagsusumite ng tamang SALN upang hindi masilo ng batas at maharap sa kasong administratibo, ang matindi ay kasong kriminal.
Sabi nga nila, “a public office is a public trust,” lagi kong naririnig ito sa isang political appointee sa kanyang pag-aalboroto. Kaya kung ito ang ating ipinapangalandakan, dapat tayo mismo ang magpakita ng katapatan sa paninilbihan sa mamamayan, isumite na natin o isumite natin ang tamang SALN.
Kung ikaw ay nakaupo sa posisyon ng gobyerno, tumatanggap ka na ng suweldo o honorarium sa pagganap sa iyong tungkulin pero hindi ka pa nagsusumite ng SALN, may malaking problema ka. Kung hindi man Office of the Ombudsman o alin mang tanggapan ng pamahalaan na may pakialam sa isyu ang dadale sa iyo ay puwede na ang “collegial body” na iyong kinabibilangan mismo ang hahambalos sa iyo ng “quo warranto petition” upang patalsikin ka sa iyong puwesto. Ang mangyari, numbers game lang ‘yan at mawawalan ka na ng trabaho.
Para hindi na maulit pa ang nangyari sa dating chief justice Maria Lourdes Sereno at ang namayapa nang Renato Corona at sa lahat ng kawani ng gobyerno lalo ang appointees, kasama na rito ang mga nasa PCSO, dapat isapubliko rin ng Office of the Ombudsman kung sino-sino ang hindi pa nagsusumite ng kanilang SALN pero ilang buwan o taon na ring nasa puwesto ng gobyerno. Sa ganitong paraan ay siguradong mapipilitan magsumite ang mga dapat magsumite ng kanilang SALN. Kung hindi naman ay kusa na lamang silang magbitiw sa kanilang posisyon para hindi nila abutin ang hambalos ng batas, gaya ng hagupit ng qou warranto petition.
Kung hindi a makapagsusumite ng SALN, may itinatago ka. Kadalasan ay tagong yaman na mahirap mong ipaliwanag kung paano nakuha at sa anong paraan.
***
Ang PCSO sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Alexander Balutan at Chairman Anselmo Simeon Pinili ay patuloy na nagsusumikap na palaguin ang kita mula sa mga lottery game na Lotto, Keno, Digit Games, Sweepstakes at ang bumubonggang Small Town Lottery.
Ang mabisang gabay ng kanilang pamumuno sa ahensiya ay transparency, tapang at malasakit kung kaya patuloy ang paglobo ng kita ng ahensiya na ang tanging mandato ay kumalap ng pondo para mapondohan ang mga serbisyong kawanggawa ng gobyerno lalong-lalo para sa libreng gamot at pampaospital ng mga mamamayang nangangailangan ng pinansiyal na ayuda. Mahirap o mayaman ka, aayudahan ka ng PCSO. Pero binibigyan ng espesyal na pagkalinga ang mga kapos-palad nating kababayan.

About Florante Solmerin

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *