Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-GF na titser pinatay, pulis nagpakamatay (Ayaw makipagbalikan)

NAGBARIL sa ulo ang isang pulis makaraan patayin ang kanyang dating girlfriend na isang guro sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Lyka Jane Arciaga, 27, residente sa Block 3, Kaunlaran Village, Brgy. 22, Caloocan City, sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang pisngi, kanang balikat, dibdib at leeg.

Habang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang suspek na dati niyang boyfriend na si PO1 Danilo Roa, 29, nakatalaga sa Caloocan Police Community Precinct 1, at residente sa 6658 Jose Abad Santos Alley, Libis Espina, Brgy. 18 ng nabanggit na lungsod.

Ayon  sa ulat ni Caloocan police chief, S/Supt. Restituto Arcangel, dakong  5:30  pm,  nasa  inuupahang bahay si Arciaga nang dumating si Roa na sapilitang pumasok makaraan sirain ang pinto.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ang mga kapitbahay ng sunod-sunod na putok ng baril kaya humingi ng tulong ang  concerned citizens sa pulisya.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng PCP-2 at sa unang nakalap na impormasyon sa mga residente ay hostage taking ang nagaganap kaya humingi sila ng tulong sa mga tauhan ng SRU/SWAT.

Ilang beses sinubukang kombinsihin ni Supt. Ferdinand Del Rosario ang suspek ngunit walang sumasagot kaya napilitan ang mga tauhan ng SWAT team na pasukin ang bahay ngunit tumambad sa kanila ang kapwa duguan at walang buhay na dating magkasintahan.

Narekober ng mga tauhan ng NPD-SOCO sa crime scene ang isang kalibre .9mm service firearm at anim basyo ng bala.

Ayon sa pahayag ng isang pinsan ni Arciaga, bago ang insidente ay naka-chat niya ang biktima na nagsabing natatakot siya dahil nasa kanyang apartment ang suspek na pilit na nakikipagbalikan sa kanya ngunit siya ay tumanggi.

Sinabi ng mga kaanak ni Arciaga na mula pa noong Marso ay hina-harass ng suspek ang dating kasintahan at nagtangkang pumasok sa kanyang apartment kaya inireklamo niya sa him­pilan ng pulisya.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …