Monday , December 23 2024

Aminado! Digong nabitag ng pekeng kontra corrupt crusaders

NASA huli talaga ang pagsisisi.

Aminado kahapon si Pangulong Rodrigo Dutere, ‘nabitag’ siya ng mga pekeng ‘anti-corruption crusaders’ na humikayat sa kanyang lumahok sa 2016 presidential elections.

Hindi maitago ang pagkalumbay ng Pangulo nang ikuwento sa presentasyon ng New Generation Currency bank-notes sa Malacañang kahapon,  ang  sinibak  na ilang opisyal ng kanyang administrasyon dahil sa korupsiyon, ay mismong mga humikayat na tumakbo siyang Pangulo ng bansa upang wakasan ang katiwalian.

“But you know if you’d notice, karamihan kong nawala sa akin are really the very first person who — ke gano’n ang bayan, ke gano’n, gano’n nang gano’n, corruption, there was crime and everything. I said but I am very sad that they are the very first to go,” ani Duterte.

“Early on a Cabinet member. But just the same tayo ba sa gobyerno was just… There is no way of telling ‘yung maglapit sa’yo na gano’n, gano’n ka and you thought you might ever fall into the trap of believing na you are with a crowd for change,” dagdag niya.

Kamakalawa ay nagbitiw si Tourism Secretary Wanda Teo matapos mapaulat na sinibak siya ni Pangulong Duterte bunsod nang ibinayad na P60-M advertisement ng DOT sa kompanya ng kapatid na si Ben Tulfo para sa program nitong Kilos Pronto sa PTV 4, batay sa Commission on Audit (COA) report.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *