Monday , December 23 2024

Duterte sa corrupt: Resign o sibak

BINIGYAN ng taning ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng kanyang administrasyon para magbitiw sa puwesto kaysa sibakin at hiyain niya sa publiko.

“Kaya ‘yang corruption, ‘pag gano’n alis ka (If you’re involved in corruption, just leave). Well, I’ll give you time,” sabi ng Pangulo sa harap ng school principals sa Davao City.

Giit ng Pangulo, ang mga sangkot sa korupsiyon, nabisto man o hindi ay dapat nang kumalas sa gobyerno.

“Those who are into it now, in government, published or otherwise, may you have the sense just to tender the resignation,” aniya.

Inamin ng Pangulo, hindi niya kursunada ang ianunsiyo sa madla ang pagsibak sa mga opi­syal  ng gobyerno upang hindi malagay sa kahihiyan ang pamilya nila.

“I do not want kasi ‘yung iba noon (because there were others before). I realized that there was this one guy that I fired. Tapos when I started to read the report, may mga anak na abogado, may anak na doktor,” aniya.

“And I am not fond of really insulting people in government. You’d never see na ako mag-insulto gano’n sa publiko. Tawagin kita, doon sa likod. ‘Yan, budyakan kita roon,” sabi ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *