Monday , December 23 2024

Train Station, mapapanood na

NGAYONG araw, May 4 at bukas, Sabado May 5 mapapanood sa SM Cinemas: SM Mall of Asia, Megamall, North EDSA, Fairview, Sta. Mesa, Southmall, SM Manila at Bacoor ang record-breaking at award-winning movie na Train Station na sponsored ng FDCP.

Ang premiere ng nasabing pelikula sa bansa ay isang collaboration effort mula sa McGooliganFilms at US-based film makers CollabFeature, katuwang ang Film Development Council of the PhilippinesCineLokal, atChannel Hue.

This record breaking film has won more than 15 international awards and has multiple entries in the Guinness Book of World Records which includes, Most Directors of a Feature Film, Most Female Directors of a Feature Film, Most Languages Spoken in a Feature Film, Most Country Locations of a Feature Film and Most Number of Actors in the Lead Role.

Ang Train Station ay kinunan sa 25 bansa, kabilang na ang Quezon City (Philippines), isinulat at idinirehe ng 40 filmmakers. The film follows a single unnamed character known as Brown and is played by 43 different actors from different parts of the world adopting a variety of ethnicities; male, female, young, straight, gay.

“Every time the character is confronted with a choice, the film cuts to a new actor in a new city and a new director continues the story. The character, who always wears brown, switches ages, genders and nationalities,”ayon sa paglalarawan ng mga producer ng pelikula.

Magsisimula ang kuwento sa isang train station sa Nairobi, Kenya. Isang lalaking pasahero ang naghihintay sa pagdating ng tren ngunit malalaman niyang nagkaroon ng aksidente sa riles at hindi pa alam kung may darating pa bang tren sa kinatatayuang istasyon. Dito mag-iisip siya kung maghihintay pa ba siya o uuwi na lamang.

“These choices led our character into many different scenarios; a noir plot involving a black market kidney exchange and the death of an innocent woman. A comedic plot to return a lost wallet. The discovery of his wife’s affair. A murder. Redemption. A new romance, and a fantastical game of choices conducted by a carnival barker,” kuwento ng writer.

Nagkaroon ng special screening ang pelikula kamakailan na ginanap sa Cinematheque Centre Manila ng FDCP na dinaluhan ng UK filmmakers na sina Craig Lines at Michael Vincent Mercado, who participated in the project years ago as part of his thesis. Naroon din ang babaeng nakasali sa Philippine segment ng Train Station na si Claudia Monette Enriquez.

Palabas na ang Train Station sa May 4 at 5 sa mga sumusunod na SM Cinemas: SM Mall of Asia, Megamall, North EDSA, Fairview, Sta Mesa, Southmall, SM Manila, at Bacoor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *