ISINUMBONG ng mga kawani at empleyado mula sa Philippine Health Insurance kay Pangulong Rodrigo Duterte ang multi-milyong anomalya sa ahensiya na umano’y kinasasangkutan ni officer-in-charge Dr. Celestina dela Serna at isang lider ng mga empleyado.
Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, idinetalye nila ang pagmamalabis sa tungkulin at panunupil sa kanilang hanay.
LTH
Kabilang sa mga isiniwalat ng mga kawani ang paglalagak ng P900-mil-yon mula sa isang bilyong pisong Externally Ma-naged Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 o Philhealth Charter, na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks puwedeng i-invest ang EMF.
Ang investment ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagkalugi ng P116 milyon, batay sa income statement.
Ito anila ay nakasaad sa COA Audit Observation Memoramdum noong 23 Marso 2017 na isa sa mga naging isyu sa confirmation hearing ni da-ting Health Secretary Paulyn Ubial.
Matatandaan, ibinasura ng Commission on Appointments si Ubial bilang health secretary.
Nabatid sa Philhealth White na pinayagan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016 at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkakahalaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na umabot sa P16-M.
Dahil sa pambibisto nila sa mga nasabing anomalya sa Philhealth, sila pa ang sinampahan ng mga kasong administratibo ng mga opisyal at hindi sila binigyan ng CNA incentives.
“Mr. President, we hope and pray for your intervention and timely assistance. These problems besetting Philhealth greatly affected the morale of the employess. It would be impossible for Philhealth to accomplish its mission with demoralized employees,” anila sa liham kay Duterte.
ni ROSE NOVENARIO